BENDISYON (Tula ni Tatay)


(Sa kasal nina Mario at Sining)
Munting kapilyang lunan ng kasal
Langit-langitan duyan ng magkasintahan.
Hininga ng kandila ang ulap-ulapang
Pakpak ng ligayang noon pa inasam.
Panginoon,
Tunghayan ang bagong kasal,
Pangaraap nilang langit gawing totohanan,
Pinag-isang puso'y bigkising matibay.
Tulutang walang hanggan ang pagsisintahan.
Pagsapit ng dilim, itanglaw ang buwan,
Sabugan ng bituin ang pagsusumpaan,
Pagdating unos, iyong ipatanaw
Bukas may bubukad na bukang-liwayway.
Bulong na dalangin
Paalingawngawin,
Ipagdiwang natin
Tagumpay ng paggiliw.
Panginoon, pagpalain
Sina Mario at Sining.
Saint Pancratius Chapel
30 October 2010


0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home